Mga komunidad na Asian American, Native Hawaiian, at Pacific Islander ng Nevada may tunay na kakampi kay
Susie Lee
Tumatakbo si Susie Lee sa 3rd Congressional District ng Nevada.
Hindi sigurado kung nakarehistro ka para bumoto? Mag-click dito >>
Nagagawa ni Susie Lee ang mga kailangang gawin para sa ating komunidad.
Napakaraming politiko ang abala sa pakikipagsigawan sa isa't isa at paglalaro para sa pansariling pakinabang. Naiiba si Susie. Mula nang mahalal sa Kongreso noong 2018, paulit-ulit na ipinakita ni Susie na handa siyang makipagtulungan maging sa ibang partido at pagsasama-samahin ang mga tao para unang makinabang ang mga pamilya sa Nevada.
Bilang Vice-Chair ng Problem Solvers Caucus, ipinaglalaban ni Susie ang mga tunay na solusyon para matulungan ang ating komunidad.
Iyon ang dahilan kung bakit siya ay nakaranggo na numero unong pinaka-bipartisan na miyembro ng Kongreso.
Asian American Action Fund
✓
Culinary Union Local 226
✓
Humane Society Legislative Fund
✓
League of Conservation Voters
✓
Nevada Association of Public Safety
✓
Nevada State AFL-CIO
✓
Newtown Action Alliance
✓
Planned Parenthood Action Fund
✓
Reproductive Freedom for All
✓
SEIU Nevada
✓
Sierra Club
✓
Silver State Equality
✓
Women’s Political Committee
✓
Asian American Action Fund ✓ Culinary Union Local 226 ✓ Humane Society Legislative Fund ✓ League of Conservation Voters ✓ Nevada Association of Public Safety ✓ Nevada State AFL-CIO ✓ Newtown Action Alliance ✓ Planned Parenthood Action Fund ✓ Reproductive Freedom for All ✓ SEIU Nevada ✓ Sierra Club ✓ Silver State Equality ✓ Women’s Political Committee ✓
Si Susie ay ineendorso ni
“
“Nararapat para sa ating komunidad na AAPI ang isang kinatawan sa Kongreso na magtataguyod sa mga interes nito at patuloy na tutulungan itong muling makabangon pagkalipas ng ilang mahihirap na taon.
Palagi akong maglilingkod para sa mga nasasakupan kong comunidad na AAPI, at umaasa akong magpatuloy sa pagtrabaho at nang patuloy na umunlad ang ating komunidad na AAPI.”
- Congresswoman Susie Lee
Walang nang mas matindi pang lumalaban para sa atin kaysa kay Susie!
Sa nakalipas na ilang buwan, nakuha ni Susie ang:
$43 MILYON
para palawakin ang abot-kayang pabahay sa Nevada
$1 MILYON
para sa Las Vegas Metropolitan Police Department
$2 MILYON
para sa charity housing, mga upgrade sa tulong sa pagkain
$63 MILYON
para sa mga proyektong tubig sa Nevada
$9 MILYON
na pamumuhunan para sa access sa high-speed internet
$850,000
para sa mga lokal na nonprofit na nagbibigay ng tulong sa buwis sa mga komunidad na mababa ang kita
ISANG $20 MILYON NA PAMUMUHUNAN
para sa programang Lake Mead Las Vegas Wash
$1 MILYON
para sa pagtatayo ng Red Rock Legacy Trail
$800,000
para sanayin ang mga taga-Nevada sa mga karerang mataas ang demand
Ano-ano ang mga usapin na pinakamahalaga sa iyo?
Ekonomiya, Trabaho, at Maliit na Negosyo
Nauunawaan ni Susie na hirap pa rin ang mga pamilya dahil sa pandemya. At gumagawa siya ng mga bipartisan na solusyon para maibalik sa tamang landas ang ating ekonomiya.
Dahil lumaki sa isang working-class na pamilya, batid ni Susie kung gaano kahirap maglagay ng pagkain sa hapag-kainan o magbayad ng tumataas na gastos sa pangangalaga ng kalusugan. Iyon ang dahilan kaya si Susie ay:
Nagpasa ng batas upang babaan ang mga buwis at gastos para sa maliliit na negosyo, na magbabalik ng mas maraming pera sa mga bulsa ng masisipag na pamilya sa Nevada.
Nagtrabaho upang palawakin ang Child Tax Credit na tutulong sa mga pamilya sa Nevada sa pagbabayad para sa pangangalaga sa bata at mga gastos na nauugnay sa bata.
Nakipag-usap na magdala ng bilyun-bilyong dolyar sa mga proyektong pang-imprastraktura sa Nevada.
Tumulong na maipasa ang Inflation Reduction Act, na humantong sa Nevada na magkaroon ng pinakamataas na antas ng paglago ng trabaho sa bansa noong Pebrero.
Lumalawak ang mga negosyo sa katimugang Nevada, at nakikinabang dito ang ating komunidad. Nilinaw ni Susie na ang Silver State ay bukas para sa negosyo!
Pampublikong Edukasyon
Si Susie ay produkto ng pampublikong sistema ng edukasyon at nakatuon sa pagtiyak na ang lahat ng taga-Nevada ay may access sa de-kalidad, mabisa, at abot-kayang edukasyon.
Bago mahalal sa Kongreso, gumugol si Susie ng deka-dekada sa pagtatrabaho para sa mga nonprofit sa edukasyon na nakatuon sa pagpapabuti ng sistema ng paaralan ng Nevada para sa lahat ng ating mga anak. At dinala niya ang misyon na iyon sa Kongreso, kung saan sinisikap niyang:
Ganap na pondohan ang mga pampublikong paaralan natin: Nagsulong si Susie ng batas para mabigyan ang mga distrito ng paaralan sa Clark County ng mga mapagkukunan na kailangan nila para palakasin ang mga pagkakataon para sa mga mag-aaral mula sa lahat na background, anuman ang zip code na kanilang tinitirhan.
Gawing mas abot-kaya ang mas mataas na edukasyon: Nag-sponsor si Susie ng batas para matulungan ang mga mag-aaral na mababa ang kita at mga adult na mag-aaral na makapagbayad para sa matrikula, mga libro, mga bayarin, at iba pang mga gastos na nauugnay sa edukasyon.
Suportahan ang mga mag-aaral sa labas ng silid-aralan: Nuunawaan ni Susie na hindi sapat ang pagpopondo lang para sa ating mga paaralan. Iyon ang dahilan kung bakit isinusulong niya ang pagpapalawig sa mga serbisyo pagkatapos ng paaralan, mga programa sa pag-mentor at pagpapaunlad ng kabataan, at teknikal na tulong at mga nagpapatuloy na programa sa edukasyon.
Ang susi sa pagtiyak na ang ating mga anak ay nakatakdang magtagumpay sa hinaharap ay sa pamamagitan ng pagbigay sa kanila ng edukasyong nararapat sa kanila ngayon. Ginagawa iyong realidad ni Susie Lee.
Pabahay at Kawalan ng Tahanan
Napakaraming pamilyang Amerikano ang naaapektuhan ng krisis para sa abot-kayang pabahay, lalo na dito sa Nevada. Sa Kongreso, gumagawa si Susie ng mga bipartisan na solusyon para gawing mas abot-kaya ang pabahay para sa lahat ng taga-Nevada.
Dinoble ni Susie ang halaga ng pondong natatanggap ng Nevada para sa abot-kayang pabahay, at itinatag ang una-sa-bansang, innovative na Targeted Fund para suportahan ang mga inisyatiba sa pabahay sa Nevada.
Noong 2021, nakakuha si Susie ng $120 milyon para sa Welcome Home Community Housing Fund ng Clark County para matugunan ang kawalan ng tahanan at magbigay-daan sa mga permanenteng, abot-kayang mga pabahay sa katimugang Nevada.
Ginawa rin ni Susie na posible ang pinakamalaking pamumuhunan sa pabahay sa kasaysayan ng Nevada na magpatayo at pangalagaan ang mahigit 4,000 unit ng mga multi-family na pabahay, makabili ng daan-daang ektarya ng bagong lupa para makalikha ng bagong abot-kayang pabahay, at magbigay ng insentibo sa pagmamay-ari ng bahay.
Abot-kayang Pangangalaga sa Kalusugan
Habang ang kalaban ni Susie, ang extremist na si Drew Johnson, ay gustong putulin ang mga programang nagliligtas-buhay tulad ng Medicare, sinisikap ni Susie na gawing mas abot-kaya at naa-access ang pangangalaga ng kalusugan para sa lahat ng taga-Nevada.
Naniniwala si Susie na walang pamilya ang dapat na pumili sa pagitan ng pagbabayad para sa nakapagliligtas-buhay na pangangalagang medikal o paglalagay ng pagkain sa hapag-kainan. Iyon ang dahilan kung trinatrabaho niya ang:
Mas mababang gastos sa pangangalaga ng kalusugan: Naninindigan si Susie laban sa mga sakim na kompanyang parmasyutiko sa pamamagitan ng paglimita sa halaga ng insulin sa $35 sa isang buwan para sa mga nakatatanda at gastos na mula sa sariling bulsa sa $2,000 bawat buwan, at pagpapababa presyo ng mga inireresetang gamot sa kabuuan.
Pataasin ang access sa pangangalaga ng kalusugan: Ipinaglaban ni Susie ang batas na nagbigay-daan sa mga health center na makakuha at magpadala ng marami pang mobile clinic para makapaghatid ng mahalagang pangangalaga sa mga taga-Nevada. Trinatrabaho rin niya na tiyakin na maaabot ng mga espesyalista sa telehealth ang bawat komunidad sa buong timog Nevada.
Pabutihin ang paggamot sa kalusugang pangkaisipan at pagkalulong sa droga: Trinatrabaho ni Susie na maprotektahan at masuportahan ang mga pamilyang nahihirapan sa kalusugan ng isip at pagkalulong sa sustansya sa pamamagitan ng muling pag-akda sa isang programa na magpapabuti sa kabatiran ng kabataan sa mga panganib na nauugnay sa fentanyl at mga opioid.
Wala nang mas malinaw na dapat piliin para sa Nevada: Trinatrabaho ni Susie ang mga tunay na solusyon na magpapahusay sa pag-access sa pangangalaga ng kalusugan at mas mababang gastos para sa ating komunidad. Ang kanyang kalaban ay balak lang tagpasin ang mga kritikal na programa at iiwan ang mga pamilyang nagtratrabaho nang husto.
Krimen at Kaligtasan ng Publiko
Inilalagay ng mga alagad ng batas ang mga buhay nila sa peligro para protektahan ang ating mga komunidad. Nakikipaglaban si Susie upang matiyak na makukuha nila ang paggalang at mga mapagkukunang kailangan nila para magawa ang kanilang mga trabaho.
Mula nang maupo si Susie, nakakuha si Susie ng $4.5 bilyon na pondo para sa mga pulis na pang-estado at lokal para mapanatili tayong ligtas.
Isa rin siyang matapang na tagasuporta ng bipartisan Invest to Protect Act, na magsasagawa ng mga pamumuhunan sa lokal na kapulisan — sa pagsasanay, pag-recruit at pagpapanatili, at kalusugan ng pag-iisip. Ang batas na ito ay inendorso ng Nevada Association of Public Safety Officers, ng Fraternal Order of Police, National Association of Police Organizations, National Sheriffs' Association, at ng National Troopers Coalition.
Mga Karapatan sa Pagbubuntis
Nais ng kalaban ni Susie, ang extremist na si Drew Johnson, na ibalik ang oras sa mga karapatan sa aborsyon. Kailangan namin ang tulong ninyo para mapigilan siya.
Ibinigay ni Johnson ang suporta niya sa mga right-wing extremist na maaaring sumubok na magpasa ng pambansang pagbabawal sa aborsyon at ipagbawal ang IVF at iba pang kritikal na opsiyon sa pagplano ng pamilya.
Tulad ng napakaraming kababaihan sa Nevada, personal ang usapin na ito para kay Susie. Buong tapang niyang ibinahagi ang tungkol sa mga miscarriage na dinanas niya at ang dalawang anak niya na nabuo sa pamamagitan ng IVF treatment. Kung walang kalayaan sa pagbubuntis, hindi sana nagkaroon si Susie ng magandang pamilya na mayroon siya ngayon.
Kaya naman si Susie ang nasa unahan ng laban na ito. Naniniwala siya na ang mga kababaihan ay karapat-dapat sa kalayaan na gumawa ng sarili nilang mga medikal na desisyon. At ang trabaho niya sa larangang ito ang dahilan kaya siya inendorso ng Planned Parenthood.